Siguro nga kaya ako single pa rin ngayon eh nasa sarili ko na ang problema.. Tipong wala akong oras sa mga taong nagbibigay ng pagmamahal sa akin. Hindi ko alam, sobrang busy ko kasing tao kung tutuusin, di ko nga alam, naiiyak ako minsan sa dami ng nakapatong na responsibilidad sa akin. Wala pa rin atang babaeng nakakaintindi sa kalagayan ko, nalulungkot ako, natatakot akong tumanda akong binata, pero at the same time di ko rin naman talaga minamadali ang sarili kong magkaroon ng girlfriend.
Nalulungkot ako na sa kalagayan ko eh mawala at mapagod yung taong nagmamahal sa akin, dahil sa wala akong oras sa kanila, humanap sila ng oras sa iba, kumuha sila ng atensyon sa iba. Hindi ko siya mapipigilan, dahil kasalanan ko naman talaga yun in the first place.
Pero nakakatakot talaga, naiinis ako sa kalagayan ko.. May mga babae na natatakot sakin makipag usap, kasi “ako” daw “ako”. Di ko ma gets yun.. Marami daw ako kaibigan.. Marami daw ako kakilala, ewan ko, ang gulo basta. Di ko na alam gagawin ko.
Kaya minsan takot na lang ako pumasok sa relasyon.. Kasi yung pakiramdam na nasanay na akong single.. Naging masaya na kong single, Nabuhay na kong single, kumbaga naka survive na.. Dumating sa point na hindi na naghahanap.. Naghihintay na lang…
Normal na mangamba sa relasyon kahit na sabihin nating andiyan ang “Tiwala”. Syempre, mahalaga siya sayo, maari nating sabihing pag mamay ari mo siya kasi pumasok kayo sa “relasyon” eh. So commitment ng dalawang tao yun na aalagaan niyo ang isat-isa at kung siya, eh siya lang dapat talaga.
Hindi natin maiiwasan mangamba lalo na kung dumadating sa puntong nag-aaway kayong dalawa. Mangangamba ka kung masaya pa ba siya sayo o may iba ng taong nagpapasaya sa kanya. Syempre, gusto mo isa ka rin sa mga dahilan bakit siya masaya. So yung mga taong nakakausap niya at nakakasalimuha eh kinikilala mo ng hindi niya nalalaman, ayaw mo kasi magtanong ka sa kanya dahil sa baka masamain niya ito, kaya gagawin mo ang best mo para maintindihan ang lahat ng nakikita mo.
Normal yan sa relayon, normal din mag tanong. Iba na yung aware yung partner mo na yung mata mo eh palaging nasa kanya. Para alam niyang lahat ng ginagawa niya eh dapat nilalagyan niya ng limitasyon. Kung paano siya makipag usap sa ibang tao na nakakaselos na sayo.
Automatic yun. Kapag pumasok ka sa relasyon. Masasaktan ka at hindi mo maiiwasang magduda, kahit nandiyan pa ang sinasabi mong tiwala.
Cross out everything you’ve done:
Had a beer.Smoked an entire cigarette.
Done drugs.
Written on a bathroom wall.Read a George Orwell book.
Had a physical fight.
Used Twitter.
Listened to Lady Gaga.Been in a car accident.
Gotten suspended.
Gotten expelled.
Been allergic to something.Got a computer virus.
Touched a real gun.
Had a dog.
Had a cat.Been pregnant.
Camped out.
Swam in the ocean.
Wore a bikini.
Driven a car.Been sent to the principal.
Ever liked someone.Failed a class.
Failed a test.Went to summer school.
Got worse than a D.
Got A’s, A’s and B’s.
Read an entire book.
Recorded my own music.Had an xbox.
Worn heels more than 3 days in a row.
Wore fishnets.
Wore skinny jeans.
Hated someone.Been cheated on.
Cheated on someone.
Worn makeup.Had surgery.
Lied to my parents about where I was going.
Had my license.
Been to college.
Graduated high school.Attempted suicide.
Self harmed.
Worn colored contacts.
Painted my nails black.
Broken someone’s heart.
Had my heart broken.
Cried for an hour straight.
Lost something very valuable.Got separated from one of my parents as a kid.
Broken a bone.
Gotten stung by a bee.
Eaten something bad/expired.Threw up from being so drunk.
Saw someone throw up from being so drunk.
Danced with someone of the opposite sex.Owned an ipod.
Owned an iphone.
Fell for a best friend.
Went far away from home for more than a week.Moved out.
Ran away.
Had food poisoning.
Had a job.Been fired.
Lied to a friend.
Lied to a family member.
Had a Facebook.
Posted a video on YouTube.Started a rumor about someone.
Talked bad about someone.Dropped out of school.
Deliberately failed a test.
Been skinny dipping.
Counted to a million.
Counted to a thousand.
Ate rabbit meat.
Ate duck meat.
Had fast food.
Been to Church.Been to Canada.
Been married.
Had a divorce.
Broke a glass.
Hugged someone today.
Texted someone today.
Received a phone call today.
Threw something out of the window.
Ignored a text from someone on purpose.
Had my feelings hurt by a friend and never told them.
Wish you were somebody else..
Nakakatuwa magkwentuhan ang mga mahaharot at malalanding lalake. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig. Yung kwentuhan ng pilyong kalalakihan, kumbaga kung kayong mga babae eh may girls talk. Kami naman eh may for the boys talk din. Mas malala nga amin kung tutuusin, dahil bulgar na bulgar ang mga salita. Pero malay nga din namin sa mga babae, kasi never namin malalaman kasi nga girls talk nga.
Pero iba talaga eh, nakakatuwa kapag lahat ng nakapaligid sayo may kwela talaga, yung lahat nakaka gets ng sense of humor mo. Tipong sa eye contact lang eh posible na kayo mag tawanan, may isa laging napag tritripan, may isang taga sawsaw, taga gatong, taga tawa, at taga kinig.
Saya lang kapag nangyayari yun eh. Mga priceless moments kumbaga tipong mag kaka abs ka kakatawa, tipong kailangan mo ng oxygen kasi tawa ka ng tawa. Kung tutuusin mababaw lang ang biruan, pero kapag tumawa na ang isa, siguradong tatawa na din lahat. May mga tawa kasi ng kalalakihan na nakakatawa eh, minsan dun lang natatawa na lahat.
Basta marami pang pwedeng maging dahilan ng saya. Ito ang dahilan bakit masarap magkaroon ng mga masasayahin at tunay na kaibigan.
Yung mga lalaking sobrang effort, super sweet, sobrang maalaga. Yung tipong araw araw may goodmorning messages sayo. Tas lagi kang pinapakilig. Yung sasamahan ka nya kapag wala kang kasama. Todo kung mag comfort. Tas habang lumilipas ung mga araw, kapag nakuha ka na niya, sa isang iglap magiging cold na lang siya bigla.
Mapapa-putangina ka na lang eh no? Yung mapapaisip mo na, ang galing niyang magpaikot ng babae. Yung masasabi mo na lang sa sarili mo na, ang tanga tanga mo kasi nagpadala ka sa kasweetan niya. Pero sa totoo lang, kahit sino namang matalino pag ganyang lalaki ang nakilala nya, malamang mahulog talaga sya.
Yung mga kumakalat dati sa text na si boy pag nanliligaw pa lang tatanong daw kung pwede ka ihatid ganun ganun hanggang sa naging years na silang mag syota eh nawawalan na ng pakelam sa babae. Di lang naman dyang umiikot yan eh. May mga lalaki din na yung me pa surprise surprise pang nalalaman para mapaimpress si nililigawan. Tas kapag nakuha na niya si girl, eh bigla na lang magiging cold. Srsly guys? Bakit ba ung IBA sa inyo eh ganito? Bakit di nyo na lang gawin ung araw araw nyong ligawan ung taong mahal nyo para diba, maging better ung pagsasamahan nyo.
Oo, naranasan ko ‘to. Yun bang grabe sweet nya lambing pagpapakilig. As in EFFORT talaga. Pati pag sabi ng sorry talagang effort. Tas nung na attached na ko sa kanya ng sobra sobra. Na minahal ko na sya ng buong buo, isang araw bigla na lang siyang magiging cold. Na parang wala na. Grabe sakit ng naramdaman ko nun eh. Pero ganun talaga ang buhay. Di mawawala sa punto na may dadating na isang tao na lolokohin at sasaktan ka lang. We have to accept the fact na dumating sila sa buhay natin para matuto sa pagkakamaling ginawa natin.
Kapag bumagsak ka sa isang subject, isipin mo muna mga pagkakamali mo, kung ano ba mga pagkukulang mo bilang estudyante. At kung sa tingin mo naman wala kang problema dahil napasa mo ang lahat ng requirements mo at nag-aral at talagang medyo trip ka ng Professor mong ibagsak dahil daw “TERROR” siya at bilang lang sa kamay niya ang pumapasa sa kanya. Maari mong itanong ang grades mo sa kanya. At maari mong sabihin sa magulang mo na walanghiya lang talaga yung Professor na yun.
Kaya minsan maganda ipakita sa magulang na nag-aaral ka eh, tipong mag-aaral ka na bukas ang pintuan. Hindi ka magkakandado, tipong dapat mong isigaw na “NAG-AARAL AKO!!”
Basta huwag mawawalan ng pag-asa. Tandaan mong nasa paaralan ka para matuto, hindi magbibigay ng exam ang guro na hindi lumabas sa itinuro niya. Napakaboring naman mag exam kung spoon feeding ang ginagawa sayo, syempre kailangan mo rin mag isip. Ayun yung challenge sayo eh :) At kung irregular student ka naman tulad ko. Gawin mong inspirasyon yung mga kasabayan mong gagraduate na. Sabihin mo sa sarili mong “KAYA MO RIN”. GAGRADUATE DIN AKO! HINDI LANG NGAYON, PERO GAGRADUATE AKO. CAPSLOCK PARA MAALALA AT INTENSE!

Wala na bang makain ang mga babae ngayon kaya pati yung labi ng lalake eh dapat ng kagatin o halos kainin? Paano kapag nag dugo yung labi niyan? Paano kung magkaroon talaga ng singaw yan dahil sa kinagat ang labi ng hinayupak na yan? Grabe lang eh, sobrang gigil lang eh. Wala ng bukas teh? Wala ng bukas?!
Paano kung matanggal ang labi niyan edi forever ng hindi nakakain yan at papanget ang mukha niya dahil napigtal na yung labi nung lalake?! Bakit ganyan kayong mga babae! Sinasaktan niyo ang mga kalalakihan!
Kung nanunuod na lang sana sila ng pelikula at hindi nalang kinakagat kagat yung mga labi na yan. Nakakainggit talaga :(((
Dahil sa oras na subukan mong pigilan ang pagtibok nito, ito ang magiging dahilan ng iyong kamatayan. At subukan mong pigilan ang pagmamahal, ito naman ang magiging dahilan ng pagiging malungkot mo at mararanasan mo na masaktan. Tao lang tayo, nagmamahal at hindi natin maaring pigilan ang pagka gusto natin sa isang tao, syempre maaring nahanap natin sa kanya yung mga katangian na matagal na nating nakikita. Kaya hindi imposibleng hindi talaga titibok at hindi mapapamahal ang puso mo dito.
Kung nasasaktan ka, hayaan mo lang. Nagmamahal ka eh. Pero dapat alam mo dapat kung may pag-asa ka ba. Kasi kung patuloy kang maghihintay sa wala eh mapag-iiwanan ka ng panahon na puro dalamhati na lang ang ibinibigay mo sa buhay mo.
Alamin mo dapat ang limitasyon ng pagbibigay mo ng pagmamahal sa isang tao. Maging praktikal ka na. Iba na ang henerasyon natin ngayon.
Textposts Blogger
Wala kang ibang makikita sa kanila, kundi sulat,sulat,sulat. Nakakaenjoy i follow ang mga ganitong blogger, bukod sa kanilang malalim na pag-iisip, friendly sila, tapos iba pa ang dating ng sense of humor nila, kakaiba ang aura ng mga taong ito, tila hindi maapi dahil anu mang oras, maari kang makabasa sa kanila ng matatalim na salita.
Photo Blogger
Ito naman ang blog ay puro pictures,photos, at kung ano ano pang picture, masasabi mo sa tumblr na ang bawat tao ay may kanya kanyang trip, may mga taong puro photo reblogger lang ang finofollow, dahil dito maganda tignan ang dashboard nila at puro pictures lang ito. Karamihan ng mahahakot mong followers kapag photo blogger ka ay sa ibang bansa, parang international blogger na rin ang dating mo, bakit? Dahil hindi mo na kailangan makipagusap, tipong let the picture speak for itself.
Twitter Blogger
Ito yung mga taong, single line lang mag post, tamang makapagsalita lang, parang facebook lang, pero ang maganda dito, nakakatuwa itong basahin, bukod sa maikli lang, makikita mo agad kung ano ang personalidad niya dito.
Warfreak Blogger
Ang blog niya ata ay puro haters, minsan hindi mo alam kung kausap lang ba niya talaga ang sarili niya, nag TA siya sa sarili niya para magkaroon siya ng hater, grabe naman kasi halos araw araw na lang ata may nang away na sa kanya, minsan ito rin yung taong magagaling, kaya maraming hater dahil maraming insecure sa blog niya, kung bakit siya ganun ka AWESOME.
GIF Blogger
Ang blog niya ay puro GIF. Maaring gif niya, o gif ng ibang tao, ang cute minsan bumisita sa blog na ganito, tipong gumagalaw lahat yung makikita mo, makakarelate ka sa mga post dahil sa nakikita mo ang emosyon sa mga gumagalaw na larawan.
Diary Blogger
Minsan ang sarap bumisita sa mga taong parang diary ang blog nila, parang nang iistalk ka sa buhay nila, dahil sa binabasa mo ang pangyayari sa pang araw araw na ginawa nila sa buhay nila, sila yung mga taong sulat ng sulat kahit walang follower mahalaga may online diary sila.
Formspring Blogger
Naging askbox blog na ang blog niya, puro tanong at sagot ang blog niya siguro dahil google siya o kaya naman puro anon ang nagtatanong sa kanya, siya ang google ng industriya ng tumblr.
Porn Blogger
Mahilig sila mag post ng mga taong hubad, naghahalikan, at ibat iba pa. Lahat ng pinopost nila ay tungkol sa pakikipagtalik, bawal pa ito sa mga bata, wag kang ma curious ok? Tska mo pa malalaman ang mga bagay na ito, masyado ka pang bata para sa topic na ito.
Typos Blogger
Ang ginagawa ng mga ito ay kukuha ng isang quote at ilalagay sa picture ang quote, yung ibang tao nilalagyan ito ng design, yung iba simple lang, mahalaga maging picture lang ito, yung iba naman pinapagalaw pa, anong magagawa naten? Meron silang photoshop ~*SKillxzxcz~*
Humor Blogger
Magagaling mag patawa, ang posts ay puro jokes, minsan kapag nagkwekwento siya ng personal niyang buhay matatawa ka rin, mga blog na masarap tambayan kapag malungkot ka.
Hybrid Blogger
Kung ano lang basta ang trip, mag rereblog kapag gusto niya, mag susulat kapag gusto niya, mag mumura kapag gusto niya, mag popost ng TA kapag gusto niya, kanya kanyang trip, napag hahalo niya ang blog niya sa kung ano anong bagay, in short walang THEME, basta blog lang siya .
Personal Album Blogger
Ito yung mga blogger na kapag binuksan mo puro mukha nila ang nasa blog, may mga pictures kasama ang pamilya, ang kaibigan, ang sarili nila. Nakakatuwa rin pumunta sa mga blog nito, lalo na kung magaganda/pogi.

